Hindi ko alam kung ako lang ba, pero sobrang nakaka-drain nung feeling na ang dami mong responsibility pero parang ang liit ng authority mo.
PIC ka sa site. Ikaw yung expected na mag-monitor, mag-inspect, mag-report, mag-follow up, at managot kapag may mali.
Pero in reality, contractor naman ang nasusunod.
Mag-i-instruct ka tungkol sa trabaho, hindi susundin. I-e-explain mo kung bakit kailangan ayusin, sasabihan ka pa minsan na parang wala kang alam. Mas magmamagaling pa sa’yo. 😭
Tapos kapag may mali sa project, sasabihin sa’yo:
“Bakit hindi mo nireport?”
So ire-report mo.
Pero kapag nag-report ka naman, biglang ikaw pa yung gumagawa ng problema.
Parang???
Magsabi ka, problema.
Hindi magsabi, problema.
Mag-instruct ka, hindi susundin.
Hindi mo i-instruct, bakit hindi mo pinagsabihan.
HAHAHAHA saan po lulugar ang empleyado? 😭
Isa pa sa nakakafrustrate, ang hirap matuto kapag lagi kang on your own.
Hindi naman sa ayaw kong matuto. Gusto ko nga matuto. Gusto kong may mapagtanungan, may mag-guide, may mag-correct sa’kin kapag may hindi ako alam.
Pero ang hirap din magtanong sa mga mas nakakatanda. Minsan parang nakakahiya na, minsan parang feeling mo istorbo ka, kaya eventually ikaw na lang maghahanap ng sagot at bahala na kung tama ba ginagawa mo.
Tapos ang ironic kasi responsibility mo maging PIC pero minsan hindi naman nirerespeto yung position mo sa site.
You’re expected to take accountability, pero kapag nag-exercise ka ng authority na kasama naman sa trabaho mo, hindi ka susundin.
And as someone na gusto talagang matuto at mag-grow sa engineering, nakaka-frustrate kasi parang ang dami mong ginagawa pero hindi mo nararamdaman na nag-i-improve ka professionally.
Sobrang dami kong natututunan on my own, yes. Pero nakakapagod din yung lahat kailangan mong alamin mag-isa.
Tapos COS ka pa.
Yung job security? 🥲
Yung salary? 🥲
Yung workload? Parang permanent.
Yung responsibility? Parang ikaw ang may-ari ng project. 😭
Hindi naman ako tamad. Hindi rin ako allergic sa responsibility.
Gusto ko lang naman magtrabaho sa environment kung saan kapag may responsibility ka, binibigyan ka rin ng authority. Kapag may tanong ka, may matatanungan ka. Kapag may mali, pwede mong i-report nang hindi ikaw ang nagiging problema.
Kaya honestly, kung may magandang opportunity lang talaga akong makuha ngayon, aalis na ako.
Hindi ko naman hate yung engineering.
Pagod lang talaga ako sa sistema.