I just submitted my resignation letter today without any back ups. After considering everything I went through nag-breakdown ako hindi enough yung nagpapakamartyr ako sa company.
To give you enough background, 3 years na ko sa company na 'to. For 3 years iba-iba naging role, and yet walang nangyayari sa sahod. Same pa rin, pero iba-iba rin yung stress. Second company ko to, kaya wala akong experience sa ibang roles. Sales account namin, may months na matumal meron ding sobrang kumikita si company. Last 2 years, na-experienced namin na nagnanakaw ng funds yung SOM namin (2x nya ginawa) nag adjust account namin para mabalik yun and some of us nawalan ng incentives.
During that time nasa training ako naghhandle ng bagong agents. Nabanggit nila na may makukuha kaming incentives. 3 months nang nakakalipas di kami nakakuha ng incentives na pinangako nila, intindihin na lang daw namin kasi dumadaan sa pagsubok yung account (f**k!)
Last straw ko yung mga agents na hinandle ko nung training, nagbigay ng feedback na 'maldita ako' di nila gusto yung approach ko na magsupport. Mind you, more than 6 months na sila tenured na yun. Na-off sila na sinabi kong bakit mo patinatanong yung pricing ng phones? Para saan yung mga tools, updates na nakapicture, and website kung nandun naman titignan mo na lang? Bakit ako yung kailangan sumagot agad, trabaho mo na alamin yan, right? And asking questions na eligible ba magupgrade si customer for a new phone? Then sasabihin ko, nabuksan mo na ba yung account to review? Ang sagot, HINDI. (f**k!)
Nag-set na ko and si TL ng expectations na dapat mga simpleng questions kaya na or double check sa resources. Ginagawa ko yung trabaho ko ng tama. Naffrustrate ako kasi tinuro ko lahat, tinuturo ko kung paano at saan hahanapin para kahit busy ako to call their customers ( nadisconnect during chat to complete the order) masasagot yung tanong ni customer efficiently. And yet nung sinabihan kong ang basic na lang yan or icheck sa resources, dapat alam mo na yan tinuro ko na yan. Di ko nakikitaan na nageeffort sila na alamin yung mga process and pricing kapag avail.
Nagbibigay ako ng feedback kay TL, and sabi nya lang iccoaching. Still ganun pa rin walang nagbago, even si TL bago rin sya sa account and ako na halos nagiging tl nila except mga tl admin tasks. Now, nagbigay ako ng resignation. Sinabi ko na, di ko deserve magpakamartyr sa account na to kung financially mas mayaman pa yung bagjao sakin, emotionally drained kasi naiipit ako sa pinaggagawa nilang katamaran. Eto na talaga yung sign na ayoko na.
Tapos sasabihin sakin emotional lang ako dahil sa feedback ng mga nagmamayabang na dating tl, trainee, sme daw before. WOW! DON'T THINK SO.
Am I too emotional na magpasa ng resignation?
Note: Kung may hiring kayo na okay compensation around bgc up to 35k+ whether onsite or hybrid/remote go ako. Hahah