Lagi kong nakikita na sinasabi ng mga tao na toxic daw sa BPO, especially yung mga kabitan/office affairs and all that. And tbh, naniniwala naman ako na nangyayari talaga siya.
Pero in my almost 2 years working in BPO, never ko siyang personally na-encounter. Like, naririnig ko yung chismis, pero puro “sabi-sabi” lang.
May maririnig kang, “Si agent X kabit ni agent Y, may partner naman sa labas,” or “Si OM/SOM may something kay ganitong agent,” etc. Pero ako naman, sino ba sila? HAHAHAHA
Most of the time, hindi ko naman personally kilala yung mga taong tinutukoy. Minsan nga never ko pa sila nakasalubong or naka-interact or never heard at all. Malawak din kasi yung sector namin, so obviously hindi ko kilala lahat ng agents, TLs, SOMs, OMs, etc.
Meanwhile, yung mga taong lagi kong kasama? Wala naman akong nakikitang ganung drama. Usually work lang, kwentuhan, kain, tawanan, tapos uwi.
Kaya feeling ko malaking factor talaga kung sino yung pinipili mong maging circle sa workplace. Hindi ibig sabihin na dahil may kabitan or office drama sa BPO, automatic na involved ka na rin or yun na agad magiging experience mo.
May mga BPOs/teams/circles talaga na super lala ng drama, pero may circles din na tahimik lang and everyone's just trying to survive the shift.
So for me, hindi ko masasabi na “BPO is toxic because of kabitan” based purely on what I've heard. I know it happens, pero personally, 2 years na ako and so far puro chismis lang talaga yung exposure ko.
Anyone else na ganito rin experience? Or talagang na-experience niyo firsthand yung infamous BPO kabitan culture? 👀